Mateo 2:3-8 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 2:3-8 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?” Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito po ang isinulat ng propeta: ‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’” Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
Mateo 2:3-8 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, nabagabag siya pati na ang buong Jerusalem. Kaya ipinatawag ni Herodes ang lahat ng namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan, at itinanong sa kanila kung saan isisilang ang Mesias. Sumagot sila, “Sa Bethlehem po, sa Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta: ‘Ikaw, Bethlehem sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga namumunong bayan ng Juda; sapagkat magmumula sa iyo ang isang pinuno na magsisilbing pastol ng mga mamamayan kong Israelita.’ ” Kaya palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inalam niya sa kanila ang eksaktong oras na unang lumitaw ang bituin. Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Bethlehem at nagbilin, “Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang bata. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako agad para makapunta rin ako at makasamba sa kanya.”
Mateo 2:3-8 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?” Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito po ang isinulat ng propeta: ‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’” Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
Mateo 2:3-8 TLAB (Ang Biblia)
Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem. At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo. At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta, At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel. Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin. At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin.
Mateo 2:3-8 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))