Mateo 2:2-3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 2:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.” Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.
Mateo 2:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nagtanong sila, “Nasaan ang batang ipinanganak na hari ng mga Hudyo? Nakita namin ang kanyang bituin noong lumitaw ito, at naparito kami para sambahin siya.” Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, nabagabag siya pati na ang buong Jerusalem.
Mateo 2:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.” Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.
Mateo 2:2-3 TLAB (Ang Biblia)
Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin. Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem.
Mateo 2:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))