Mateo 17:9 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 17:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Habang sila'y bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nasaksihan hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”
Mateo 17:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nang pababa na sila sa bundok, sinabihan sila ni Hesus, “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang inyong nakita hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling binubuhay.”
Mateo 17:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Habang sila'y bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nasaksihan hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”
Mateo 17:9 TLAB (Ang Biblia)
At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.
Mateo 17:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))