Lumaktaw sa nilalaman

Mateo 13:35 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mateo 13:35 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: “Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga, ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig.”

Mateo 13:35 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang propeta: “Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang mundo.”

Mateo 13:35 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: “Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga, ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig.”

Mateo 13:35 TLAB (Ang Biblia)

Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.

Mateo 13:35 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.