Mateo 12:46 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 12:46-47 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap.”
Mateo 12:46 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Habang nagsasalita pa si Hesus sa mga tao, ang kanyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas at gustong makipag-usap sa kanya.
Mateo 12:46-47 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap.”
Mateo 12:46 TLAB (Ang Biblia)
Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
Mateo 12:46 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))