Mateo 12:29 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 12:29 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Hindi mapapasok ang bahay ng isang taong malakas kung hindi muna siya gagapusin. Kung nakagapos na siya, saka pa lamang malolooban ang bahay niya.
Mateo 12:29 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Hindi maaaring pasukin ng magnanakaw ang bahay ng malakas na tao kung hindi muna niya ito gagapusin. Ngunit kapag naigapos na niya, maaari na niyang nakawan ang bahay nito.
Mateo 12:29 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Hindi mapapasok ang bahay ng isang taong malakas kung hindi muna siya gagapusin. Kung nakagapos na siya, saka pa lamang malolooban ang bahay niya.
Mateo 12:29 TLAB (Ang Biblia)
O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.
Mateo 12:29 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))