Levitico 10:13 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Levitico 10:13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kakainin ninyo ito sa isang banal na lugar sapagkat ito ang bahaging para sa inyo at sa inyong mga anak na lalaki mula sa pagkaing inihandog kay Yahweh. Ito ang iniutos niya sa akin.
Levitico 10:13 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kainin nʼyo ito sa may banal na lugar, dahil iyon ang inyong bahagi mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa PANGINOON. Ito ang iniutos sa akin ng PANGINOON.
Levitico 10:13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kakainin ninyo ito sa isang banal na lugar sapagkat ito ang bahaging para sa inyo at sa inyong mga anak na lalaki mula sa pagkaing inihandog kay Yahweh. Ito ang iniutos niya sa akin.
Levitico 10:13 TLAB (Ang Biblia)
At inyong kakanin sa dakong banal, sapagka't karampatang bahagi ninyo, at karampatang bahagi ng inyong mga anak, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: sapagka't gayon iniutos sa akin.
Levitico 10:13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))