Hosea 6:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Hosea 6:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo; sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon, upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan.
Hosea 6:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo upang mamuhay sa kanyang presensya.
Hosea 6:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo; sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon, upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan.
Hosea 6:2 TLAB (Ang Biblia)
Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
Hosea 6:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.