Lumaktaw sa nilalaman

Hosea 2:9 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Hosea 2:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kaya't babawiin ko ang pagkaing butil na aking ibinigay maging ang bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko rin ang mga damit at balabal, na itinakip ko sa kanyang kahubaran.

Hosea 2:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong alak na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linong ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran.

Hosea 2:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kaya't babawiin ko ang pagkaing butil na aking ibinigay maging ang bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko rin ang mga damit at balabal, na itinakip ko sa kanyang kahubaran.

Hosea 2:9 TLAB (Ang Biblia)

Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran.

Hosea 2:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))