Hosea 2:3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Hosea 2:3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung hindi'y huhubaran ko siya tulad ng isang sanggol na bagong silang; gagawin ko siyang tulad ng disyerto, tulad ng isang tigang na lupa, at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw.
Hosea 2:3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kung hindi, huhubaran ko siyaʼt ilalantad, gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang tigang katulad ng disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw.
Hosea 2:3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung hindi'y huhubaran ko siya tulad ng isang sanggol na bagong silang; gagawin ko siyang tulad ng disyerto, tulad ng isang tigang na lupa, at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw.
Hosea 2:3 TLAB (Ang Biblia)
Baka siya'y aking hubaran, at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya'y ipanganak, at gawin ko siyang parang isang ilang, at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa, at patayin ko siya sa uhaw
Hosea 2:3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))