Hosea 2:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Hosea 2:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya, sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa, at wala na akong kaugnayan sa kanya. Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya, at tigilan na ang kanyang kataksilan.
Hosea 2:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Mga anak, pagsabihan ninyo ang inyong ina, sapagkat hindi na ako ang kanyang asawa nang akoʼy iniwan niya. Pagsabihan ninyo siya para itigil na niya ang pangangalunya at talikuran ang imoral na pamumuhay niya.
Hosea 2:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya, sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa, at wala na akong kaugnayan sa kanya. Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya, at tigilan na ang kanyang kataksilan.
Hosea 2:2 TLAB (Ang Biblia)
Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso
Hosea 2:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))