Skip to content
Logo ng Bible App

Ester 4:4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Ester 4:4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Lubos na nabahala si Reyna Ester nang malaman niya ang pangyayari mula sa kanyang mga katulong na babae at mga eunuko. Kaya pinadalhan niya ng bihisan si Mordecai, ngunit ayaw nitong tanggapin iyon.

Ester 4:4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang malaman ni Reyna Ester ang tungkol kay Mordecai sa pamamagitan ng mga alipin niyang babae at mga pinunong nangangalaga sa kanya, labis siyang nabagabag. Pinadalhan niya ng damit si Mordecai para palitan ang kanyang suot na sako, pero hindi niya ito tinanggap.

Ester 4:4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Lubos na nabahala si Reyna Ester nang malaman niya ang pangyayari mula sa kanyang mga katulong na babae at mga eunuko. Kaya pinadalhan niya ng bihisan si Mordecai, ngunit ayaw nitong tanggapin iyon.

Ester 4:4 TLAB (Ang Biblia)

At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap.

Ester 4:4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))