Skip to content
Logo ng Bible App

Ester 4:3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Ester 4:3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis nang buong kapaitan, nag-ayuno at nagluksa. Karamihan sa kanila'y nagsuot ng damit panluksa at naglagay ng abo sa ulo.

Ester 4:3 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang mga Hudyo sa bawat lalawigan na nakarinig sa utos ng hari ay nagsipag-ayuno, nag-iyakan nang napakalakas, at nanaghoy. Marami sa kanila ang nagsuot ng sako at humiga sa abo.

Ester 4:3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis nang buong kapaitan, nag-ayuno at nagluksa. Karamihan sa kanila'y nagsuot ng damit panluksa at naglagay ng abo sa ulo.

Ester 4:3 TLAB (Ang Biblia)

At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo.

Ester 4:3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))