Skip to content

Ester 4:1 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Ester 4:1 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng nangyari, pinunit niya ang kanyang kasuotan. Nagsuot siya ng damit panluksa, naglagay ng abo sa ulo, at naglibot sa buong lunsod, at malakas na tumatangis.

Ester 4:1 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang malaman ni Mordecai ang plano laban sa kanila, pinunit niya ang kanyang damit bilang pagpapakita ng kanyang pagdadalamhati. At nagsuot siya ng sako, naglagay ng abo sa ulo, at pumasok sa lungsod na umiiyak nang napakalakas.

Ester 4:1 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng nangyari, pinunit niya ang kanyang kasuotan. Nagsuot siya ng damit panluksa, naglagay ng abo sa ulo, at naglibot sa buong lunsod, at malakas na tumatangis.

Ester 4:1 TLAB (Ang Biblia)

Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw

Ester 4:1 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))