Ester 3:7 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ester 3:7 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang unang buwan ng ikalabindalawang taon ng paghahari ni Xerxes, ginawa sa harapan ni Haman ang palabunutang tinatawag na Pur upang malaman kung anong araw nararapat isagawa ang balak niya. Tumama ito sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan na kung tawagi'y Adar.
Ester 3:7 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nang buwan ng Nisan, ang unang buwan, noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Asuero, nag-utos si Haman na magpalabunutan para malaman kung ano ang tamang araw at buwan para ipatupad ang plano niya. (Ang ginagamit nila sa palabunutan ay tinatawag nilang “Pur”.) At ang nabunot ay ang ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.
Ester 3:7 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang unang buwan ng ikalabindalawang taon ng paghahari ni Xerxes, ginawa sa harapan ni Haman ang palabunutang tinatawag na Pur upang malaman kung anong araw nararapat isagawa ang balak niya. Tumama ito sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan na kung tawagi'y Adar.
Ester 3:7 TLAB (Ang Biblia)
Nang unang buwan, na siyang buwan ng Nisan, nang ikalabing dalawang taon ng haring Assuero, kanilang pinagsapalaran nga ang Pur sa harap ni Aman sa araw-araw, at sa buwan-buwan, hanggang sa ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar.
Ester 3:7 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))