Ester 2:23 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ester 2:23 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pinaimbestigahan ito ng hari at napatunayang totoo, kaya ipinabitay sina Bigtan at Teres. Ang pangyayaring ito'y isinulat sa aklat ng kasaysayan ng kaharian.
Ester 2:23 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ipinasiyasat ito ng hari. At nang mapatunayang totoo ito, ipinatuhog niya sina Bigtan at Teres sa nakatayong matulis na kahoy. At ang pangyayaring itoʼy ipinasulat ng hari sa Aklat ng Kasaysayan ng kaharian.
Ester 2:23 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pinaimbestigahan ito ng hari at napatunayang totoo, kaya ipinabitay sina Bigtan at Teres. Ang pangyayaring ito'y isinulat sa aklat ng kasaysayan ng kaharian.
Ester 2:23 TLAB (Ang Biblia)
At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila'y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari.
Ester 2:23 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila'y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari.