Ester 2:18 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ester 2:18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang parangalan si Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, nagpahayag pa siya ng pista opisyal sa buong kaharian at namahagi ng maraming regalo.
Ester 2:18 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nagdaos ang hari ng malaking piging para parangalan si Ester. Inanyayahan niya ang lahat ng pinuno niya at ang iba pang naglilingkod sa kanya. Nang araw na iyon, ipinag-utos niya sa buong kaharian na magdiwang ng isang pista opisyal, at nagbigay siya ng maraming regalo sa mga tao.
Ester 2:18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang parangalan si Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, nagpahayag pa siya ng pista opisyal sa buong kaharian at namahagi ng maraming regalo.
Ester 2:18 TLAB (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y gumawa ang hari ng malaking kapistahan sa kaniyang lahat na prinsipe at kaniyang mga lingkod, sa makatuwid baga'y kapistahan ni Esther; at siya'y gumawa ng pagpapatawad ng sala sa mga lalawigan, at nagbigay ng mga kaloob, ayon sa kalooban ng hari.
Ester 2:18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))