Lumaktaw sa nilalaman

Daniel 3:1 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Daniel 3:1 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Si Haring Nebucadnezar ay nagpagawa ng rebultong ginto na dalawampu't pitong metro ang taas at may tatlong metro naman ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:1 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nagpagawa si Haring Nebucadnezar ng gintong imahen. May siyamnapuʼt talampakan ang taas at siyam na talampakan ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:1 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Si Haring Nebucadnezar ay nagpagawa ng rebultong ginto na dalawampu't pitong metro ang taas at may tatlong metro naman ang lapad. Ipinatayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:1 TLAB (Ang Biblia)

Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:1 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))