Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Gawa 7:52 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 7:52 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpapahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na inyo namang pinagtaksilan at ipinapatay.

Mga Gawa 7:52 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sino ba sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo? Pinatay pa nga nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod. At ngayong dumating na siya, kayo ang trumaydor at pumatay sa kanya.

Mga Gawa 7:52 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpapahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na inyo namang pinagtaksilan at ipinapatay.

Mga Gawa 7:52 TLAB (Ang Biblia)

Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao

Mga Gawa 7:52 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))