Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Gawa 7:42 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 7:42 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.

Mga Gawa 7:42 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay ng mga alay na hayop at mga handog sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?

Mga Gawa 7:42 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.

Mga Gawa 7:42 TLAB (Ang Biblia)

Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?

Mga Gawa 7:42 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))