Mga Gawa 7:40 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 7:40 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi pa nila kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin, sapagkat hindi namin alam kung napaano na ang Moises na iyan na naglabas sa amin mula sa lupain ng Egipto.’
Mga Gawa 7:40 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi nila kay Aaron, ‘Ilikha mo kami ng diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa Moises na ʼyan na naglabas sa amin mula sa Ehipto.’
Mga Gawa 7:40 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi pa nila kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin, sapagkat hindi namin alam kung napaano na ang Moises na iyan na naglabas sa amin mula sa lupain ng Egipto.’
Mga Gawa 7:40 TLAB (Ang Biblia)
Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
Mga Gawa 7:40 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))