Mga Gawa 5:37 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 5:37 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala ng mga mamamayan, at nakaakit din ito ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay din ang mga tagasunod niya.
Mga Gawa 5:37 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pagkatapos, noong panahon ng sensus, si Judas naman na taga-Galilea ang nakahikayat ng mga alagad. Ngunit pinatay din siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak.
Mga Gawa 5:37 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala ng mga mamamayan, at nakaakit din ito ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay din ang mga tagasunod niya.
Mga Gawa 5:37 TLAB (Ang Biblia)
Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.
Mga Gawa 5:37 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))