Mga Gawa 5:36 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 5:36 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan.
Mga Gawa 5:36 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sapagkat noong araw ay may isang taong ang pangalan ay Teudas na nagpanggap na isang importanteng tao. Mga 400 katao ang naging alagad niya. Ngunit sa bandang huli, pinatay siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak, at walang kinahinatnan ang grupo niya.
Mga Gawa 5:36 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan.
Mga Gawa 5:36 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
Mga Gawa 5:36 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))