Mga Gawa 4:10 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 4:10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng Diyos.
Mga Gawa 4:10 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nais kong ipaalam sa inyong lahat at sa buong sambayanang Israel, na ang taong ito ay pinagaling sa pamamagitan ng pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos.
Mga Gawa 4:10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng Diyos.
Mga Gawa 4:10 TLAB (Ang Biblia)
Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
Mga Gawa 4:10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.