Mga Gawa 3:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 3:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon.
Mga Gawa 3:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Samantala, may isang lalaking lumpo mula pagkasilang ang buhat-buhat papuntang Templo. Araw-araw siyang dinadala sa pintuang tinatawag na Maganda, para makapanglimos sa mga taong pumapasok sa Templo.
Mga Gawa 3:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon.
Mga Gawa 3:2 TLAB (Ang Biblia)
At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo
Mga Gawa 3:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))