Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Gawa 27:7 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 27:7 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Mabagal ang aming paglalakbay. Tumagal ito ng maraming araw, at nahirapan kami bago nakarating sa tapat ng Cinido. Buhat dito'y hindi namin matawid ang kalawakan ng dagat sapagkat pasalungat kami sa hangin. Kaya't nagpunta kami sa silangan ng Creta na kubli sa hangin, at sa tapat ng Salmon.

Mga Gawa 27:7 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Mabagal ang biyahe namin. Tumagal ito ng maraming araw, at talagang nahirapan kami hanggang sa nakarating kami malapit sa Cinido. At dahil salungat ang hangin, hindi kami makatuloy sa pupuntahan namin. Kaya naglayag kami sa kabila ng isla ng Creta na kubli sa hangin sa tapat ng Salmone.

Mga Gawa 27:7 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Mabagal ang aming paglalakbay. Tumagal ito ng maraming araw, at nahirapan kami bago nakarating sa tapat ng Cinido. Buhat dito'y hindi namin matawid ang kalawakan ng dagat sapagkat pasalungat kami sa hangin. Kaya't nagpunta kami sa silangan ng Creta na kubli sa hangin, at sa tapat ng Salmon.

Mga Gawa 27:7 TLAB (Ang Biblia)

At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw, at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido, na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta, sa tapat ng Salmon

Mga Gawa 27:7 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))