Mga Gawa 23:6 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 23:6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nalaman ni Pablo na doo'y may mga Saduseo at Pariseo, kaya't sinabi niya nang malakas sa Sanedrin, “Mga kapatid, ako'y Pariseo, at anak ng mga Pariseo, at dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay kaya ako'y nililitis ngayon.”
Mga Gawa 23:6 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nang makita ni Pablo na may mga Saduceo at mga Pariseo roon, sinabi niya nang malakas sa mga miyembro ng Sanhedrin, “Mga kapatid, akoʼy isang Pariseo, at ang aking ama at mga ninuno ay Pariseo rin. Inaakusahan ako ngayon dahil umaasa akong muling mabubuhay ang mga patay.”
Mga Gawa 23:6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nalaman ni Pablo na doo'y may mga Saduseo at Pariseo, kaya't sinabi niya nang malakas sa Sanedrin, “Mga kapatid, ako'y Pariseo, at anak ng mga Pariseo, at dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay kaya ako'y nililitis ngayon.”
Mga Gawa 23:6 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.
Mga Gawa 23:6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))