Mga Gawa 22:3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 22:3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ako'y isang Judiong ipinanganak sa Tarso, sa lalawigan ng Cilicia, ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Ang aking guro ay si Gamaliel at buong higpit niya akong tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Ako'y masugid na naglilingkod sa Diyos tulad ninyong lahat na naririto ngayon.
Mga Gawa 22:3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Akoʼy isang Hudyong ipinanganak sa Tarso na sakop ng Cilicia, pero lumaki ako rito sa Jerusalem. Dito ako nag-aral at naging guro ko si Gamaliel. Sinanay akong mabuti sa Kautusan na sinunod din ng ating mga ninuno. Gaya ninyo ngayon, masigasig din akong naglilingkod sa ating Diyos.
Mga Gawa 22:3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ako'y isang Judiong ipinanganak sa Tarso, sa lalawigan ng Cilicia, ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Ang aking guro ay si Gamaliel at buong higpit niya akong tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Ako'y masugid na naglilingkod sa Diyos tulad ninyong lahat na naririto ngayon.
Mga Gawa 22:3 TLAB (Ang Biblia)
Ako'y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon
Mga Gawa 22:3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))