Mga Gawa 21:3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 21:3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Dumaan kami sa tapat ng Cyprus na natatanaw sa gawing kaliwa. Nagpatuloy kami papuntang Siria, ngunit huminto muna sa Tiro ang barko sapagkat magbababâ roon ng kargamento.
Mga Gawa 21:3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Mula sa barko, natanaw namin ang isla ng Cyprus sa bandang kaliwa. Dinaanan lang namin ito at tumuloy na kami papuntang Siria. Dumaong kami sa bayan ng Tiro, dahil nagbaba doon ng kargamento ang barko.
Mga Gawa 21:3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dumaan kami sa tapat ng Cyprus na natatanaw sa gawing kaliwa. Nagpatuloy kami papuntang Siria, ngunit huminto muna sa Tiro ang barko sapagkat magbababâ roon ng kargamento.
Mga Gawa 21:3 TLAB (Ang Biblia)
At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
Mga Gawa 21:3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.