Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Gawa 2:2-3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 2:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila

Mga Gawa 2:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At napuno nito ang buong bahay na kanilang kinaroroonan. Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila.

Mga Gawa 2:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila

Mga Gawa 2:2-3 TLAB (Ang Biblia)

At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.

Mga Gawa 2:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))