Lumaktaw sa nilalaman

Mga Gawa 19:13 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 19:13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

May ilang Judio roon na naglilibot at nagpapalayas ng masasamang espiritu. Pinapangahasan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa pagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga sinasapian ng mga ito. Sinasabi nila, “Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, iniuutos ko sa inyo, lumabas kayo.”

Mga Gawa 19:13 ASD (Ang Salita ng Diyos)

May ilang mga Hudyo doon na gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinasaniban nito. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Hesus upang palabasin ang masasamáng espiritu. Sinabi nila sa masasamang espiritu, “Sa pangalan ni Hesus na ipinangangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!”

Mga Gawa 19:13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

May ilang Judio roon na naglilibot at nagpapalayas ng masasamang espiritu. Pinapangahasan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa pagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga sinasapian ng mga ito. Sinasabi nila, “Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, iniuutos ko sa inyo, lumabas kayo.”

Mga Gawa 19:13 TLAB (Ang Biblia)

Datapuwa't ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu, ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu, na nagsisipagsabi, Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo.

Mga Gawa 19:13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))