Mga Gawa 12:17 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 12:17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
Mga Gawa 12:17 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinenyasan sila ni Pedro na tumahimik, at ikinuwento niya sa kanila kung paano siya pinalabas ng Panginoon sa bilangguan. Ibinilin niya sa kanila na ipaalam ito kay Santiago at sa iba pang mga kapatiran. Pagkatapos, umalis siya at pumunta sa ibang lugar.
Mga Gawa 12:17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
Mga Gawa 12:17 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.
Mga Gawa 12:17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))