Mga Gawa 10:28 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 10:28 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi niya, “Alam naman ninyo na bawal sa isang Judio ang makihalubilo o dumalaw sa isang hindi Judio. Subalit ipinakita sa akin ng Diyos na wala akong dapat ituring na marumi at di karapat-dapat pakitunguhan.
Mga Gawa 10:28 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nagsalita si Pedro sa kanila, “Alam ninyo na kaming mga Hudyo ay pinagbabawalan ng aming relihiyon na dumalaw o makisama sa mga Hentil. Ngunit ipinaliwanag sa akin ng Diyos na hindi ko dapat ituring na marumi o di-malinis ang sinuman.
Mga Gawa 10:28 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi niya, “Alam naman ninyo na bawal sa isang Judio ang makihalubilo o dumalaw sa isang hindi Judio. Subalit ipinakita sa akin ng Diyos na wala akong dapat ituring na marumi at di karapat-dapat pakitunguhan.
Mga Gawa 10:28 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal
Mga Gawa 10:28 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))