Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 21:4

Place of Grace | Isang Debosyonal para sa Semana Santa mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay
8 Mga araw
Taun-taon, nagtitipon-tipon ang mga mananampalataya para ipagdiwang ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay, pag-isipan natin kung paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapadala sa Kanyang Anak upang mamatay sa krus at dalhin tayo sa lugar ng biyaya't pagmamahal na nagbibigay sa atin ng kakayahang ipamuhay ang naging tagumpay ni Cristo.

Ang Huling Salita | Mga Natutunan sa Mahal na Araw tungkol sa Paglalakbay ni Cristo Patungo sa Krus at sa Kanyang Ganap na Tagumpay
9 Mga araw
Ang Mahal na Araw ay panahon para balikan, pag-isipan, at ipagdiwang ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus, na nagbigay-daan para tayo’y maibalik sa Diyos. Ipinapaalala ng debosyonal na ito na isinugo si Jesus nang may layunin, para maranasan natin ang buhay kahit sa gitna ng mga pagsubok. Magulo man ang mundo, ang Diyos ang may huling salita, na pinatunayan ng kamatayan at matagumpay na muling pagkabuhay ni Jesus.