1
Mga Taga-Roma 12:2
Ang Biblia
TLAB
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Linganisha
Chunguza Mga Taga-Roma 12:2
2
Mga Taga-Roma 12:1
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:1
3
Mga Taga-Roma 12:12
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin
Chunguza Mga Taga-Roma 12:12
4
Mga Taga-Roma 12:21
Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:21
5
Mga Taga-Roma 12:10
Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba
Chunguza Mga Taga-Roma 12:10
6
Mga Taga-Roma 12:9
Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:9
7
Mga Taga-Roma 12:18
Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:18
8
Mga Taga-Roma 12:19
Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:19
9
Mga Taga-Roma 12:11
Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon
Chunguza Mga Taga-Roma 12:11
10
Mga Taga-Roma 12:3
Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:3
11
Mga Taga-Roma 12:17
Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:17
12
Mga Taga-Roma 12:16
Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:16
13
Mga Taga-Roma 12:20
Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:20
14
Mga Taga-Roma 12:14-15
Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:14-15
15
Mga Taga-Roma 12:13
Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:13
16
Mga Taga-Roma 12:4-5
Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.
Chunguza Mga Taga-Roma 12:4-5
Nyumbani
Biblia
Mipango
Video