Isaias 40:12-14
Isaias 40:12-14 ASD
Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat gamit ang kanyang palad, o makakasukat ng langit gamit ang kanyang kamay? Sinong makakapaglagay ng alikabok sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol? Sino ang makapagsasabi ng nasa isip ng PANGINOON, o makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin? Kanino siya sumasangguni para maliwanagan, at sino ang nagturo sa kanya ng tamang pagpapasya? Sino ang nagturo sa kanya ng kaalaman, o nagpaliwanag sa kanya para kanyang maunawaan? Wala!


