1
Marcos 14:36
Magandang Balita Bible (Revised)
RTPV05
Nanalangin siya, “Ama ko, Ama ko! Magagawa mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na ito, ngunit hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”
Konpare
Eksplore Marcos 14:36
2
Marcos 14:38
Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”
Eksplore Marcos 14:38
3
Marcos 14:9
Tandaan ninyo, saanman sa buong mundo ipangaral ang Magandang Balita, ang ginawa niyang ito ay ipahahayag din bilang pag-alaala sa kanya.”
Eksplore Marcos 14:9
4
Marcos 14:34
Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko'y labis na nalulungkot at halos ako'y mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.”
Eksplore Marcos 14:34
5
Marcos 14:22
Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.”
Eksplore Marcos 14:22
6
Marcos 14:23-24
Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami.
Eksplore Marcos 14:23-24
7
Marcos 14:27
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako'y iiwan ninyong lahat, sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’
Eksplore Marcos 14:27
8
Marcos 14:42
Magsitayo kayo! Narito na ang magtataksil sa akin.”
Eksplore Marcos 14:42
9
Marcos 14:30
Sabi ni Jesus sa kanya, “Tandaan mo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok nang makalawa, tatlong beses mo akong ikakaila.”
Eksplore Marcos 14:30