1
Mateo 7:7
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.
Porovnat
Zkoumat Mateo 7:7
2
Mateo 7:8
Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
Zkoumat Mateo 7:8
3
Mateo 7:24
“Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.
Zkoumat Mateo 7:24
4
Mateo 7:12
“Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.
Zkoumat Mateo 7:12
5
Mateo 7:14
Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon.
Zkoumat Mateo 7:14
6
Mateo 7:13
“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon.
Zkoumat Mateo 7:13
7
Mateo 7:11
Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya.
Zkoumat Mateo 7:11
8
Mateo 7:1-2
“Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan. Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
Zkoumat Mateo 7:1-2
9
Mateo 7:26
Subalit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi naman ito sinusunod ay maihahalintulad sa isang hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin.
Zkoumat Mateo 7:26
10
Mateo 7:3-4
“Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mo masasabi sa iba, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may troso sa iyong mata?
Zkoumat Mateo 7:3-4
11
Mateo 7:15-16
“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman.
Zkoumat Mateo 7:15-16
12
Mateo 7:17
Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama.
Zkoumat Mateo 7:17
13
Mateo 7:18
Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno.
Zkoumat Mateo 7:18
14
Mateo 7:19
Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.
Zkoumat Mateo 7:19