Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Israel:
“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala
ng mga taga-Israel,
parurusahan ko sila.
Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin
ang mga taong walang kasalanan
dahil lamang sa kanilang utang.
Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap
kahit na isang pares lang na sandalyas
ang utang.