At naglagay ang Diyos sa iglesya ng ibaʼt ibang mga bahagi: una, mga apostol; pangalawa, mga propeta; pangatlo, mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling sa mga maysakit, mga tumutulong sa iba, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan.