Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing ipagkanulo ang Panginoong Hesus, kumuha siya ng tinapay, at pagkatapos niyang magpasalamat sa Diyos, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”