At ngayon, mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng PANGINOON na inyong Diyos sa inyo ay magkaroon kayo ng takot sa kanya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng PANGINOON na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.