Kaya kung talagang susundin ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang PANGINOON na inyong Diyos at paglingkuran ninyo nang buong pusoʼt kaluluwa, padadalhan niya kayo ng ulan sa tamang panahon para makapag-ani kayo ng trigo, ng ubas na gagawing bagong alak at ng olibo na gagawing langis.