Logo YouVersion
Icona Cerca

Salmo 70

70
Salmo 70
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na humihingi ng tulong sa Diyos.
(Salmo 40:13‑17)
1 Panginoong Diyos,
iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.
2Mapahiya sana at malito
ang mga nagnanais na mamatay ako.
Magsitakas sana na hiyang-hiya
ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.
3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.
4Ngunit ang mga lumalapit sa inyo
ay magalak sana at magsaya.
Ang lahat ng naghahangad
ng inyong pagliligtas
ay lagi sanang magsabi,
“Dakila ka, o Diyos!”
5Ngunit ako, akoʼy dukha
at nangangailangan.
O Diyos, agad po ninyo akong lapitan!
Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin.
Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.

Attualmente Selezionati:

Salmo 70: ASD

Evidenzia

Condividi

Confronta

Copia

None

Vuoi avere le tue evidenziazioni salvate su tutti i tuoi dispositivi?Iscriviti o accedi