YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 148

148
Paanyaya sa Lahat Upang Purihin ang Diyos
1Purihin si Yahweh!
Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,
kayo sa itaas siya'y papurihan.
2Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!
3Ang araw at buwan, siya ay purihin,
purihin din siya ng mga bituin,
4mataas na langit, siya ay purihin,
tubig sa itaas, gayon din ang gawin!
5Siya ang may utos na kayo'y likhain,
kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.
6Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan,
hindi magbabago magpakailanpaman.#6 Kanyang itinatag…magpakailanpaman: o kaya'y Kanyang itinatag, mga kaayusan.
7Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan,
maging dambuhala nitong karagatan.
8Ulan na may yelo, kidlat pati ulap,
malakas na hangin, sumunod na lahat!
9Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol.
Mga kabundukan, mataas na burol,
malawak na gubat, mabubungang kahoy;
10hayop na maamo't mailap na naroon,
maging hayop na gumagapang at mga ibon.
11Pupurihin siya ng lahat ng tao,
hari at prinsipe, lahat ng pangulo;
12babae't lalaki, mga kabataan,
matatandang tao't kaliit-liitan.
13Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat,
ang kanyang pangala'y pinakamataas;
sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.
14Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa,
kaya pinupuri ng piniling madla,
ang bayang Israel, mahal niyang lubha!
Purihin si Yahweh!

Currently Selected:

Mga Awit 148: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy