1
Lucas 12:40
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kayo man ay dapat maging handa, dahil ang Anak ng Tao, ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Vergleichen
Studiere Lucas 12:40
2
Lucas 12:31
Sa halip, pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at lahat ng mga pangangailangan ninyo ay ipagkakaloob niya.
Studiere Lucas 12:31
3
Lucas 12:15
Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”
Studiere Lucas 12:15
4
Lucas 12:34
Sapagkat kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.
Studiere Lucas 12:34
5
Lucas 12:25
Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala?
Studiere Lucas 12:25
6
Lucas 12:22
Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin.
Studiere Lucas 12:22
7
Lucas 12:7
Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.
Studiere Lucas 12:7
8
Lucas 12:32
“Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Studiere Lucas 12:32
9
Lucas 12:24
Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon!
Studiere Lucas 12:24
10
Lucas 12:29
Kaya huwag kayong mabahala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo; huwag kayong mag-alala tungkol sa mga bagay na ito.
Studiere Lucas 12:29
11
Lucas 12:28
Kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang mga damo sa parang, na buhay ngayon pero kinabukasan ay malalanta at susunugin, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya!
Studiere Lucas 12:28
12
Lucas 12:2
Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag.
Studiere Lucas 12:2