1
Juan 15:5
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.
Vergleichen
Studiere Juan 15:5
2
Juan 15:4
Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Sapagkat hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
Studiere Juan 15:4
3
Juan 15:7
Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo.
Studiere Juan 15:7
4
Juan 15:16
Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, upang humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.
Studiere Juan 15:16
5
Juan 15:13
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Studiere Juan 15:13
6
Juan 15:2
Pinuputol niya ang aking mga sangang hindi namumunga, at nililinis niya ang bawat sangang namumunga para lalo pang mamunga.
Studiere Juan 15:2
7
Juan 15:12
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
Studiere Juan 15:12
8
Juan 15:8
Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga alagad ko kayo.
Studiere Juan 15:8
9
Juan 15:1
Sinabi pa niya, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
Studiere Juan 15:1
10
Juan 15:6
Ang hindi nananatili sa akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin.
Studiere Juan 15:6
11
Juan 15:11
Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.
Studiere Juan 15:11
12
Juan 15:10
At kayoʼy mananatili sa aking pag-ibig, kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, katulad ko na nananatili sa pag-ibig ng aking Ama sapagkat sinusunod ko ang mga utos niya.
Studiere Juan 15:10
13
Juan 15:17
Ito nga ang utos ko sa inyo: Magmahalan kayo.
Studiere Juan 15:17
14
Juan 15:19
Kung kabilang kayo sa mundo, mamahalin nila kayo bilang kasama nila. Ngunit hindi kayo kabilang sa mundo, kundi pinili ko kayo mula sa kanila. Dahil dito, napopoot sila sa inyo.
Studiere Juan 15:19