Purihin natin ang Diyos na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo ay inilihim nang matagal na panahon, ngunit ipinahayag na ngayon sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta. Itoʼy ayon sa utos ng walang kamatayang Diyos, upang ang lahat ng tao ay sumampalataya at sumunod sa kanya.
Purihin natin ang Diyos na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Hesu-Kristo! Amen.