Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo. Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos.