DANIEL 5:25-28
DANIEL 5:25-28 ABTAG01
At ito ang sulat na iniukit: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN. Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang na ng Diyos ang mga araw ng iyong kaharian, at ito ay winakasan. TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan at natuklasang kulang. PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga-Media at taga-Persia.”

